Thea sa sex video: Bastos! Hindi ako ‘yun!

MARIING dinenay ng Kapuso actress na si Thea Tolentino na siya ang babaeng nasa video scandal na kumakalat ngayon sa social media.

Narito ang paglilinaw ng dalaga sa kanyang Facebook post: “HINDI AKO YON. Bahala kayo kung maniniwala kayo sakin or not, wala akong pakialam.

“Grabe. Daming bastos. Di ako naaapektuhan pero napapagod kasi ang social media accounts ko sa inyo,” aniya.

Dugtong pa ni Thea, “AT sa mga nakakaalam ng Facebook accounts ng mga magulang ko, kapatid, kamag-anak, friends, etc, huwag niyo na sila imessage o bulabugin tungkol dito dahil stressed na sila sa mga bagay bagay sa buhay, pati ako tapos dadagdagan pa ng mga nagkakalat ng mga false informations. GET A LIFE.
“Thank you. May God bless you all.”

Nag-tweet pa ang Kapuso actress para ipaalam sa kanyang followers na mas naaapektuhan siya ngayon dahil pati ang kanyang pamilya ay dinadamay na.

“Matagal na kong gumiveup na kumausap ng mga taong makikitid ang utak dahil kahit ano namang sabihin sa kanila, may ibabato silang mga salita na hindi naman pinagisipan. Ang ayoko lang ay yung pati mga magulang ko, kamag anak, kaibigan e binubulabog nyo,” sey pa ni Thea.

Read more...