Maine tuloy ang pagbebenta ng sapatos

MAINE MENDOZA

TULOY-TULOY pa rin ang pagbebenta ni Maine Mendoza ng kanyang personal na gamit online, at ito’y para pa rin sa mga tinutulungan niyang mga estudyante.

Noon pang March sinimulan ni Maine ang nasabing charity project sa pamamagitan ng online shopping community na Carousell.com. Ang nakasulat sa description box ng kanyang page ay,
“Selling some of my preloved stuff. Proceeds to benefit AlDubNation scholarship drive.”

Ilan sa mga naibentang preloved item ni Maine ay ang kanyang pulang Gucci suede platform wedges na may floral embroidery.

Sey nga ng Dubsmash Queen, “Used once.. and a half; yung half nagpalit agad ako, natakot matalisod.” Ang nasabing sapatos ay nagkakahalaga raw ng P42,000 pero nabili lang ng P28,000.

Nabenta rin ang kanyang black Chanel patent espadrille flats worth P45,000 na nabili lang sa halagang P30,000.

Read more...