Alden ingat na ingat sa kinakain, hindi pwedeng tumaba

WALANG ilusyon si Alden Richards na magpaka-borta (hunk na hunk) para sa bago niyang TV series sa GMA 7 na Victor Magtanggol.

Nais lang niyang maging lean and strong lalo na’t in full swing na ang preparasyon niya para sa nasabing programa.

Hindi rin siyempre siya pwedeng tumaba para sa maaksyong eksena niya sa Victor Magtanggol.

Sa exclusive na panayam sa Pambansang Bae ng GMA Network.com, sinabi niyang bukod sa pag-iingat sa mga kinakain, nagti-training din siya ng iba’t ibang combat sports.

“Working out, parkour, Muay Thai pag may time, mixed martial arts. All these things are new to me kaya maraming adjustments,” saad ni Alden.

Hindi ang palakihin ang katawan ang goal niya ngayon, “Hindi naman doon ang path ko sa bodybuilding. Gusto ko lang maging lean and strong.

“Lean para good enough for television purposes. Physically fit, kasi I see to it that I do most of the stunts. I’m not really relying too much on doubles para mas feel ko ‘yung pagiging Victor Magtanggol,” sey pa ng Pambansang Bae.

Siyempre, aabangan din ng manonood ang eksenang hubad ang pang-itaas na damit ni Alden para na rin maglaway-laway sila, huh!

Bihira rin kasing magpasilip ng kanyang katawan ang binata sa kanyang mga nakaraang proyekto kaya siguradong aabangan ng kanyang mga gay fans ang pagpapakita niya ng hubad na katawan sa VM.

Read more...