Coco haring-hari pa rin; YFSF, Bagani, TV Patrol, MMK di nalaglag sa Top 5

MAS sinubaybayan pa rin ng buong bansa ang makubuluhang impormasyon at mga kwentong puno ng aral na hatid ng ABS-CBN matapos magkamit ng TV network ng average audience share na 45% noong Hunyo, ayon sa datos ng Kantar Media.

Panalo sa parehong urban at rural homes ang ABS-CBN, partikular na sa Metro Manila, kung saan nakakuha ang Kapamilya network ng average audience share na 43%. Tinutukan din ang ABS-CBN sa Total Luzon sa pagtala nito ng 41%; sa Total Visayas sa pagrehistro nito ng 54%; at sa Total Mindanao sa pagkamit nito ng 53%.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Ayon sa listahan ng Kantar Media, patuloy pa rin sa paghahari ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin (42.6%) na hindi totoong malapit nang matapos tulad nang napabalita. Sinundan ito ng Your Face Sounds Familiar Kids (33.6%) hosted by Billy Crawford sa ikalawang pwesto.

Pasok rin sa Top 10 ang Bagani (32.7%), TV Patrol (29.9%), Maalaala Mo Kaya (27.9%), Home Sweetie Home (25.6%), Wansapanataym (24.9%), It’s Showtime (Saturday) (22.6%), at Rated K (21.2%).

Samantala, ABS-CBN din ang nanguna iba’t ibang time blocks, partikular na sa primetime with average audience share na 48%.

Ang primetime block ang pinakaimportante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilpino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.

Namayagpag din ang Kapamilya Network sa morning block (6 a.m. to 12 noon) sa pagtala nito ng 39%; sa noontime block (12 noon to 3 p.m.) sa pagrehistro nito ng 47%; at sa afternoon block (3 p.m. to 6 p.m.) sa pagkamit nito ng 44%.

Read more...