Ruru Madrid tuloy-tuloy ang pagiging action star

EXCITED na ang fans ni Ruru Madrid sa mga maaaksyong eksena nito sa Kapuso primetime series na The Cure. Ito nga ang magsisilbing reunion project nila ni Kylie Padilla pagkatapos nilang gawin ang Encantandia.

Ayon kay Ruru, happy siya dahil magkatrabaho sila uli ni Kylie at siyempre looking forward sila pareho sa mga action scenes tulad ng mga ginawa nila noon sa Enca.

Sabi pa ni Ruru, handa siyang gawin ang lahat ng mga buwis-buhay scenes na ipagagawa sa kanya ni Direk Mark Reyes sa The Cure. Ano kaya ang magiging papel niya sa buhay ni Adira (Kylie) at sa buhay nina Charity (Jennylyn Mercado) at Greg (Tom Rodriguez)?

Read more...