Sinabi ng MIAA na dumating ang pasahero sa Terminal 2 ng NAIA noong Hulyo 2 mula sa Honolulu para sa connecting flight papuntang Laoag.
Base sa ulat ng MIAA, nakita ng airport personnel na si Dominic Charize Almazan ang imahe ng mga bala na nakalagay sa loob ng isang plastic bag sa loob maleta ng isang pasahero matapos sumailalim sa x-ray inspection.
Nagsagawa ng manong-manong inspeksyon ang mga airline at security personnel matapos ipahanap ang may-ari ng maleta kung saan natagpuan ang 416 basyo ng bala sa loob.
“The passenger disclosed during the inquiry that the box belonged to her brother-in-law who requested her to bring it. She further claimed that she was assured that only clothes were inside the box,” sabi ni MIAA.
Ibinigay ang mga basyo sa mga opisyal ng airport at inirekord ang insidente.
Pinayagan naman ang pasahero na tumuloy sa Laoag.