Sinabi ni Supt. Imelda Tolentino, Mimaropa police information officer, na pinagtataga sina Ace Malbog at Aiza Sapallo, kapwa 32, ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng Blue Waves Hotel saBarangay Zone 1 ganap na ala-1:40 ng umaga.
Ayon kay Sapallo, nagising siya dahil sa naramdamang sakit sa kanyang bibig. Sasabihan niya sana si Malbog nang mapansing wala nang buhay at may mga sugat sa leeg at kaliwang braso.
Humingi naman ng tulong ang kanilang 10-anyos na anak na lalaki, na kanilang kasama sa mga hotel staff at bisita.
Sinabi ni Tolentino na ayon kay Sapallo, nawawala ang kanyang Samsung cellphone.
Dinala siya sa Pinamalayan Doctor’s Hospital para magamot.