Bagyo papasok sa PAR

ISANG bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na linggo.

Tatawagin itong bagyong Gardo, ang unang bagyo ngayong buwan.

Kung hindi magbabago ang direksyon ng bagyo hindi ito inaasahan na daraan sa kalupaan.

Habang papalapit sa bansa ay inaasahan din ang lalo pa nitong paglakas.

Kahapon mahigit sa 2,000 kilometro ang layo nito sa silangan ng Visayas.

Read more...