Nam Joo Hyuk ng ‘Weightlifting Fairy’ may bagong serye

KOREAN word of the day: “Wae” – nangangahulugan ito sa Ingles ng “Why” o “Bakit” sa Filipino. Ang “wae” ay ginagamit sa Korea kapag hindi pormal ang pag-uusap. Ginagamit naman ang “Wae-yo” sa pormal na pag-uusap at kadalasang ginagamit kapag nagagalit, nililito o hindi makapaniwala. Halimbawa ng pangungusap na ginagamit ang wae ay: “Niloko mo ako, wae!”

q q q

Magbabalik sa Korean drama ang actor na si Nam Joo Hyuk na nakilala nang husto sa kanyang pagganap sa Weightlifting Fairy Kim Bok Joo.

Ayon sa ulat, bibida si Joo Hyuk sa Because It’s My First Love, na tatalakay sa pagiging immature ng mga taong nasa edad 20s at kung paano sila magma-mature bilang tao.
Huling napanood si Joo Hyuk sa K-drama na Bride of the Water God noong 2017.

Nakatakda ring ipalabas ang kauna-unahang pelikula ni Joo Hyuk na “The Great Battle,” na inaasahang ipalalabas sa huling bahagi ng taon.

Bukod sa Weightlifting Fairy Kim Bok Joo, napanood din si Joo Hyuk sa Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo, Cheese In The Trap at Who Are You: School 2015.

q q q

Matapos ang isang taon, mapapanood muli ang Korean actor na si Ha Seok Jin sa K-series na Your House Helper na mapapanood na ngayong Hulyo.

Base ang Your House Helper sa popular webtoon na kapareho ang pamagat.

Kwento ito ng isang lalaking housekeeper na inoorganisa ang pangangailangan ng mga tao at kanilang bahay.

Magiging mas mabait ang karakter ni Seok Jin kumpara sa kanyang mga dating role tulad ng sa Drinking Solo at Radiant Office.

Ayon sa aktor, dahil sa kanyang kakaibang role sa upcoming drama, mas naging malinis at organisado na siya sa kanyang bahay.

Kabilang din sa mga pinagbidahan niyang Koren series ay ang Legendary Witches at Something About 1%.

Read more...