Elements Music Camp, Globe Live naghahanap ng mga Pinoy singer-songwriter na pang-world class

“LET us now bring Filipino music to the world!” Ito ang pinagdiinan ni Globe Senior Advisor for Creative Marketing & Multi Media Businesses Joe Caliro sa ginanap na mediacon kamakalawa para sa pagbabalik ng Elements Music Camp.

Bukod sa pagpo-produce ng world-class musicals sa bansa, nakipagsanib-pwersa na rin ang Globe Telecom through Globe Live, sa Elements Music Camp para makahanap ng magagaling na musikero at songwriters for global audience na kayang makipagsabayan sa mga sikat na international artists sa buong mundo.

Ayon kay Joe Caliro, “The Philippines is full of musical talents and we should discover and prepare them globally. The world has become smaller because of the Internet. Music distribution has evolved from record bars to online music streaming distribution such as Spotify, YouTube among others and this is where Globe comes in.”

Aniya pa, isa lamang ito sa mga malalaking proyekto ng Globe Live upang makatulong sa overall music strategy ng Globe ngayong 2018.

Dagdag pa ni Caliro, kukuha ng limang multi-awarded producers at limang local mentors ang
Globe para sa 2018 Elements Music Camp, bukod pa riyan ang ilang international record producers tulad nina Bernard “Harv” Harvey, na nag-produce ng ilang kanta ni Justin Bieber; Bassie Blue Hamilton, na nakatrabaho nina Usher at Bruno Mars; Steve Lillywhite na nakipag-collaborate sa U2 at Dave Matthews Band; Def Jam Records SVP Head ng A&R Ernest Clark, na naging bahagi ng career nina Big Sean, Nicki Minaj, John Legend at Armin van Buuren.

Makakasama rin sa music camp na ito ang mga pambatong musikero ng bansa tulad nina Ebe Dancel, Gabby Alipe, Quest, Jungee Marcelo, Jimmy Antiporda, Thyro Alfaro, Jay Durias at Audie Gemora.

“We want to create the venue for talented local musical artist to showcase their craft, assist them, nurture and curate their creative products and help them bring their music out to the world and hopefully, discover the next great, big thing in Original Pilipino Music,” pahayag pa ni Joe Caliro.
Dagdag pa niya, “Were excited to leverage our association with Spotify for Elements. As the biggest ad-supported music streaming service in the Philippines, Spotify is one of the best platforms for new artists to be discovered and showcase the 10 songs that will be produced at the camp.”

Sabi naman ng founder ng EMC na si Twinky Lagdameo along with Maestro Ryan Cayabyab (na present din sa ginanap na presscon) and businessman Julio Sy, Jr. (noong 2010), mas nag-level-up na sila ngayon, “This year, we’re going to take the next step and level up. We’re focusing on the technical aspect of creating songs and help the inherent talent of the Filipino singer-songwriter and move it to the level where we feel we could make it into something that is with universal appeal.”

Makakasama rin ng Globe sa proyektong ito ang FrontRow, Spotify, Facebook at YouTube. Balak din kasi itong gawing documentary series para mas marami ang makapanood hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Maaaring sumali ang mga Pinoy musician na may edad 21-35 anyos, kumakanta at sumusulat ng mga original songs, at hindi nakakontrata sa anumang record label. Application period is from July 5 to 31, 2018 at maaaring mag-submit ng demo ang mga interesadong sumali and fill out the application form sa glbe.com/jointhecamp.

Sampu ang pipiliin sa mga sasali na magkakaroon ng chance na mag-training ng limang araw kasama ang mga bigating tagapayo na sina Clara Benin, singer-songwriter; Reese Lansangan, singer-songwriter at visual artist; Bullet Dumas, independent composer at musician, at marami pang iba.

Samantala, bago magsimula ang music camp, magkakaroon muna ng reunion concert ang lahat ng mga musicians na naging bahagi ng nakaraang Elements Music Camp kasama ang mga mentors at campers gaya nina Ben&Ben, Bullet Dumas, Ebe Dancel, Joey Ayala, Nyoy Volante at marami pang iba. Ito’y magaganap na sa July 21, 2018 sa UP Theater. – EAS, Dina Tricia de Lara

Read more...