Kilalang comedian mayabang na maramot pa sa selfie, grupo ng fans may ebidensya

SENSITIBO ang ating mga kababayan pagdating sa mga artista. Kapag meron silang nakikitang hindi maganda, agad na nilang ipino-post ‘yun sa social media, wala nang tanong-tanong pa kung may nararamdaman bang hindi maganda ang personalidad na nakaengkuwentro nila.

Ganu’n ang nangyari nang minsang makita ng isang grupo ang isang kilalang male personality na kilalang-kilala sa linya ng pagkokomedya.

May binibili sa isang car shop ang komedyante, abalang-abala sa pagpili ng mga kakailanganin niya sa kanyang kotse, nang lapitan siya ng grupo para sa isang selfie.

Kuwento ng aming source, “Wala naman sanang problema kung hindi muna niya napagbigyan ang grupo dahil naka-concentrate nga siya sa pamimili ng mga car accessories na bibilhin niya.

“Ang magalang na excuse, e, sigurado namang maiintindihan ng mga faney, di ba? Mas hahangaan pa nga ang artista kapag ganu’n. Pero iba kasi ang nangyari, tiningnan sila ni ____ (pangalan ng kilalang komedyante), ‘yung tingin na parang naiinis.

“Hindi niya puwedeng idenay ang pagkainis dahil nagkamot pa siya ng ulo. Sign ‘yun ng pagkainis, di ba naman? Nagulat siyempre ang tropa! Komedyante pa naman daw na naturingan ang in-approach nila, pero bakit ganu’n?

“Sa halip na makiusap siya na maya-maya na lang sila magpiktyuran, e, nagpakita pa siya ng pagkainis!” kuwento ng aming chikadorang impormante.

Nakumpirma ng grupo na ganu’n nga talaga ang male personality nu’ng may lumapit uli sa kanya para magparetrato. Ganu’n din ang nangyari.

“Ganu’n din ang nangyari, hindi rin siya nakipag-selfie, nainis din siya, nagsuot pa nga siya ng hoody para hindi na siguro siya maabala sa pagbili niya ng mga car accessories na kailangan niya!

“Talaga raw palang may kasupladuhan ang komedyanteng ‘yun, picture lang, e, ipinagdadamot pa niya sa mga fans niya? Parang kabaligtaran naman ‘yun ng image niya, di ba?

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, getlak n’yo na ba kung sino ang komedyanteng ito? Gusto n’yo pa kayang ngumuya ng bubble gum?” huling chika ng aming source.

Read more...