Posisyon ng ‘sniper’ na tumarget kay Mayor Halili natukoy

NADISKUBRE na ang posisyon ng sniper na pumatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili sa Batangas na mahigit 100 metro ang layo mula sa kinatatayuan ng biktima.

Sinabi ni Supt. Renato Mercado, Tanauan City Police chief, na nakapwesto ang sniper tinatayang 150 ang layo mula sa lokasyon kung saan dumadalo si Halili sa flag ceremony.

Ginamit ng salarin ang mas mataas na bahagi ng lugar at tinakpan ang sarili ng mga damo, ayon kay Mercado.

“Around 150 meters, parang nag-cover siya. Walang tao kasi ang kasunod no’n sementeryo pero malayo pa yung sementeryo, madamo na ‘don,” sabi ni Mercado.

Idinagdag ni Mercado na patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Nasawi si Halili matapos na tumama ang isang bala sa kanyang dibdib habang nagsasagawa ng flag-raising ceremony ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Tanauan.

“Around 150 meters, parang nag-cover siya. Walang tao kasi ang kasunod no’n sementeryo pero malayo pa yung sementeryo, madamo na ‘don,” dagdag ni Mercado.

Naging kontrobersiyal si Halili sa kanyang “Walk of Shame” campaign laban sa mga kriminal kung saan pinaparada ang mga ito sa kalsada.

Read more...