NANAWAGAN ang mga transport groups sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na payagan ang P1 provisional fare hike.
Sinabi ng iba’t ibang grupo na dapat ipatupad ang P1 provisional fare hike habang hinihintay ang desisyon kaugnay ng kanilang petisyon para sa P2 dagdag-pasahe.
Iginiit naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra na wala pang pinal na desisyon ang board kung aaprubahan ang bagong petisyon sa isang special board meeting.
“We did not decide to grant the provisional increase at least as of today. We will discuss that on a special board meeting,” sabi ni Delgra.
Idinagdag ni Delgra na posibleng isagawa ang special board meeting sa susunod na linggo.
“If you recall in the last hearing, two to three hearings ago, there was already a call because they mentioned that they were going to amend their petition,” sabi ni Delgra.
Sakaling payagan ang provisional fare hike, magiging P9 na ang magiging minimum fare sa jeepney.
“We gave them the opportunity to amend their petition, and then up to which, the last time ganun din ang nangyari, na wala naman silang naibigay. Ngayon araw lang talaga naibigay, so that’s the reason we need to discuss that,” ayon pa kay Delgra.