Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-12:25 ng hapon. Ang sentro nito ay 27 kilometro sa kanluran ng Nasugbu, Batangas at may lalim na 118 kilometro.
Nagbabala ang Phivolcs na posibleng magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito.
Naramdaman ang Intensity IV sa Lubang at Abra de Ilog sa Occidental Mindoro.
Intensity III naman sa mga bayan ng Balayan, Tuy, Talisay at Calatagan sa Batangas; Quezon City; Clark, Pampanga; Mandaluyong City; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Looc at Mamburao, Occidental Mindoro; Tanza at Maragondon. Cavite; Makati City at Pasay City.
Intensity II naman sa Manila City; Plaridel, Obando at Malolos sa Bulacan; at Paranaque City.
May naramdaman naman ang mga instrumento ng Phivolcs na Intensity III sa Malolos, Bulacan; Calatagan, Batangas at Tagaytay City. Intensity II sa Marikina City: Navotas City; San ildefonso, Bulacan at Taliasay, Batangas.
Intensity I naman sa Las Pinas City; Pasig City; Quezon City; Bacoor, Cavite; Cabanatuan City; at Guagua sa Pampanga.