WALANG tigil ang pagbuhos ng swerte kay Enchong Dee. Sunud-sunod ang projects niya ngayon, mapa-pelikula man o telebisyon. In fairness, deserving naman ang Kapamilya actor sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya dahil bukod sa professional na ay mabait at disiplinado pa ang Kapamilya leading man.
Sa telebisyon, pagkatapos ng matagumpay na seryeng Ina Kapatid Anak ay may kasunod agad ito, ang Muling Buksan Ang Puso kasama sina Julia Montes at Enrique Gil. At sa pelikula naman, blockbuster hit din ang “Four Sisters And A Wedding” na showing pa rin hanggang ngayon.
Pagkatapos nito, mapapanood uli si Enchong sa black dramedy (drama-comedy) offering ng Star Cinema at Skylight Films na “Tuhog”. Makakasama naman ni Enchong dito sina Eugene Domingo, Jake Cuenca, Leo Martinez at Empress sa direksiyon ng award-winning Cinemalaya director na si Veronica Velasco.
Showing na ito sa July 17 nationwide. Ito’y tungkol sa isang aksidente sa bus kung saan nalagay sa panganib ang buhay ng tatlong bida sa kuwento na sina Fiesta (Eugene), Tonio (Leo) at Caloy (Enchong). Paano sila maghihiwa-hiwalay kung ang kahulugan nito’y kamatayan ng isa sa kanila?
Kuwento ni Enchong, kakaibang comedy film naman ito, in the tradition of the award-winning masterpiece na “Babae Sa Septic Tank” ni Eugene, though may pagkasekswal ang titulo ng pelikula, hindi naman daw ito bold, pero tinitiyak nilang lahat ng Pinoy sa buong mundo ay makaka-relate sa kuwento ng “Tuhog” lalo na ‘yung mga taong walang ginawa kundi ang magreklamo sa buhay ay hanapan ng kamalian ang kanilang kapwa.
Punumpuno raw ng aral at inspirasyon ang pelikula kaya hindi masasayang ang ibabayad n’yo sa sinehan. Siyempre, bahagi pa rin ang “Tuhog” ng ika-20 anibersaryo ng Star Cinema at mapapanood na sa July 17 sa mga sinehan.
Sa trailer pa lang ng pelikula, nagkakaisa na ang lahat ng entertainment press na dumalo sa presscon na interesting at nakakaintriga ang tema, unpredictable kumbaga, mahirap hulaan kung ano ang magiging takbo ng istorya.
Samantala, wala raw talagang lovelife ngayon si Enchong, at kung magkakaroon man, gusto niya sana, non-showbiz na, “Yes, I wanna try it, I want to explore the feeling of having a very private, very mysterious relationship. People will constantly ask me who she is. Di kilala. Less buzz.”
Wala na rin daw panahon ang binata na manligaw, “Kapag natapos na lahat ng pelikula, lahat ng teleseryes, baka dun may time na. Right now, dating pero ganun lang. Sa ngayon kasi my focus is really my career and darating din naman yan in God’s time.