FALCONS, BULLDOGS nanaig

Mga Laro sa Miyerkules
(Mall of Asia Arena)
2 p.m UP vs La Salle
4 p.m. FEU vs Ateneo
Team Standings: NU (1-0); FEU (1-0); UST
(1-0); Adamson (1-0); Ateneo (0-1); La Salle
(0-1); UE (0-1);  UP (0-1)

PINATUNAYAN ng National University na karapat-dapat sila sa taguri bilang team-to-beat nang pabagsakin nila ang five-time defending champion Ateneo, 64-54, sa pagpapatuloy ng 76th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay  City.

Gumawa ng 22 puntos, 9 rebounds at 4 assists ang back-to-back Most Valuable Player na si Bobby Ray Parks Jr. pero nakakuha rin siya ng solidong suporta sa ibang starters na sina Emmanuel Mbe at Dennice Villamor para tapusin din ang 10 sunod na pagkatalo ng Bulldogs sa Eagles.

Ang 6-foot-7 na si Mbe ay may 14 puntos at 15 rebounds habang may tatlong tres si Villamor tungo sa 13 puntos. Noong pang Setyembre 15, 2007 huling nagwagi ang NU sa Ateneo sa 96-88 iskor. “This is a significant win dahil matagal na kaming hindi nananalo sa Ateneo,” wika ni NU coach Eric Altamirano.

Masaya man sa tagumpay ay hindi rin naiiwas ni Altamirano na madismaya sa endgame ng koponan. “We did not end on a high note. Our defense relaxed and we allowed them to get their bearing with their outside shots,” dagdag nito. Nasa 24 puntos na ang inilayo ng Bulldogs nang naipasok ni Villamor ang ikatlong tres sa laro, 59-35, sa huling 5:33 ng labanan.

Pero nagtala ng mga turnovers ang NU habang tatlong tres ang pinagsaluhan nina Nico Elorde at Juami Tiongson para dumikit ang tropa ni Bo Perasol sa 61-51. Subalit naiwanan ni Parks ang kanyang bantay at naipasok ang mahalagang tres para tiyakin ang unang panalo sa liga.

Bukod sa nawalan ng big men tulad nina Greg Slaughter, Nico Salva at Justin Chua, naglaro ng may sprained right ankle si Kiefer Ravena at tumapos lamang taglay ang dalawang puntos sa 1-of-6 field goal shooting sa walong minuto. Sumalo rin ang host Adamson University sa mga nasa unahan nang kalusin sa ikasiyam na pagkakataon ang University of the Philippines, 79-67, sa unang laro.

May 19 puntos si Jericho Cruz habang ang baguhang 6-foot-7 center na si Ingrid Sewa ay may 15 puntos at 10 rebounds para pamunuan ang tagumpay. Hindi sumablay si Sewa sa limang buslo tungo sa 11 puntos sa ikatlong yugto para gabayan ang tropa ni Adamson coach Leo Austria sa 60-49 kalamangan papasok sa huling 10 minuto ng labanan.

“Talagang pinag-aralan namin ang galaw ng UP dahil ayaw kong mapahiya kami dahil expected na manalo kami sa opening day bilang host school,” pahayag ni Austria. Si Sam Marata ay mayroong 20 puntos para sa Fighting Maroons.

The scores:
First Game
ADAMSON 79 – Cruz 19, Sewa 15, Cabrera 11, Brondial 9, Petilos 8, Julkipli 8, Rios 4, Iñigo 3, Agustin 2, Trollano 0, Ochea 0, Monteclaro 0, Bernabe 0, Abrigo 0

UP 67 – Marata 20, Soyud 10, Asilum 10, Lao 6, Wong 4, Reyes 4, Pascual 4, Ball 4, Gallarza 3, Harris 2, Paras 0, Ligad 0, Gingerich 0
Quarters: 18-13, 36-28, 60-49, 79-67

Second Game
NU 64 – Parks 22, Mbe 14, Villamor 13, Javillonar 5, Alolino 4, Rosario 2, Khobuntin 2, Alejandro 2, Roño 0, De Guzman 0

ATENEO 54 – Tiongson 13, Elorde 10, Buenafe 10, Newsome 9, Erram 4, Ravena 2, Pessumal 2, Golla 2, Capacio 2, Tolentino 0, Babilonia 0
Quarters: 15-10, 33-21, 50-32, 64-54

Read more...