One-on-one meeting nina Du30 at CBCP President Valles itinakda sa Lunes | Bandera

One-on-one meeting nina Du30 at CBCP President Valles itinakda sa Lunes

- July 02, 2018 - 04:38 PM

KINUMPIRMA ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go na tuloy na sa susunod na Lunes ang one-on-one meeting sa pagitan ni Pangulong Duterte at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President at Davao Archbishop Romulo Valles.

Sinabi ni Go na nakausap na niya si Valles hinggil sa one-on-one meeting nila ni Duterte, bagamat hindi pa pinal kung saan ito gaganapin.

Samantala, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na patuloy naman ang pakikipagdayalogo niya sa Simbahang Katoloka, kasama sina Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella at Pastor Boy Saycon.

“Noong Biyernes po, ako po at si Usec Abella and Boy Saycon, nag-attend po kami ng Vatican National Day and Pope’s Day Celebration. Ako po ay nagkaroon ng one-one-one diskusyon kay Papal Nuncio. Mamaya pa lang po ako magrereport kay Presidente. Kaya siguro po hindi na muna ako magsasapubliko kung ano ‘yung napag-usapan namin other than nagkaroon ng kasunduan na ang Simabahan naman at Estado ay parehong misyon panilbihan ang taumbayan,” sabi ni Roque.

Idinagdag ni Roque na inaaayos na ang nakaktandag pagpupulong nina Duterte at Valles.

Matatandang nabatikos si Duterte ng iba’t ibang religious groups matapos tawagin ng “stupid” ang Diyos, na naging dahilan naman para bumuo ang presidente ng komite para makipagdayalogo sa Simbahan.(Bella Cariaso)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending