Patricia Javier nabasag kotse

NABIKTIMA ng basag-kotse modus ang aktres na si Patricia Javier sa Antipolo City kagabi.

Ayon kay Javier ipinarada niya ang kanyang SUV sa tapat ng isang kainan sa Marcos Highway kung saan naghihintay ang kanyang ka-meeting.

Makalipas ang ilang saglit ay nag-alarm ang kanyang sasakyan. Mayroon umano siyang nakitang dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo na umalis.

Noong una ay inakala niya na nasandalan lamang ang sasakyan pero paglabas niya ay nakita niyang basag na ang bintana sa gitnang upuan.

Tinangay ng mga magnanakaw ang kanyang Louis Vuitton bag na naglalaman ng kanyang wallet, ATMs, credit card at isang diamond necklace na mayroong initial na PJ.

Nanawagan si Javier na kung mayroong pagbebentahan ng kuwintas ay handa siya na bayaran ito upang maibalik sa kanya.

Mahalaga umano sa kanya ang kuwintas na naipundar niya noong kasagsagan ng kanyang career.

Read more...