JACKIE FORSTER , binastos ng 2 anak, kinampihan ang asawa ni BENJIE

Mukhang mauuwi sa kontrobersiya ang away ng mag-iina na sina Jackie Forster at ang dalawa  niyang anak na sina Andre at Kobe. Palaban si Jackie na parang nagbanta na may pasasabugin sa kanyang tweet na, “I have nothing more to hide.

I’m just a mother yearning for my kids not a nagging druggy, child abuser.  “People need to stop hyping up this tragic situation because when push comes to shove and I need to protect my husband, two children and family now-

I may have to reveal a little more that will devastate those people trying to ruin me. “So don’t push me. You’ve bullied me too much already. Bullies breed bullies. All I want are my kids to get to know me now – As an adult a mother at the right age with the right husband doing THE RIGHT THINGS with her LIFE.

“Sometimes it aches that I have to protect Benjie *JUST BECAUSE* HE’s THE FATHER of Andre and Kobe. It would be much easier for people to understand what happened if I told them EVERYTHING,” tuluy-tuloy na sabi ni Jackie.

Wala ring takot niyang tinawag na troll ang bagong asawa ni Benjie Paras na si Lyxene Diomampo. Kaso, pumalag sina Andre at Kobe at ipinagtanggol ang kanilang stepmother laban sa tunay nilang ina, “You are jealous of how loving and caring my new mom, Lyxene, is.

You call her a troll. But in reality you are the troll, a big ass troll,” sabi ni Kobe.  Nag-follow up naman si Andre who said, “May troll-troll ka pang nalalaman. I will fight and defend my mom Lyxene cause she did the same to my brother and me.

We’ve had enough of your bulls***t! You know who you are.” Ouch! Ang sakit noon para kay Jackie! Bakit ganoon na nga lang ba ang galit ng mga anak ni Jackie sa kanya? Talagang meron palang mga anak na halos isumpa ang kanilang ina, ‘no?

Anyway, hindi yata nakatulong na nag-aaral sa magandang university ang mga anak ni Benjie dahil sa kanilang ginawa sa kanilang ina.  Teka, ganoon ba pinalaki ni Benjie ang kanyang mga anak kaya they grew up hating their mother?

Kung nakagawa man ng pagkakamali si Jackie sa kanyang mga anak, don’t they think that it’s about time to bury the hatchet? Bakit parang until now ay hindi pa yata nakaka-move on sina Andre at Kobe sa sama ng loob nila sa kanilang ina?

Guwapo sina Andre at Kobe pero nakakabawas ng pogi points ang ginawa nila sa kanilang ina. In a country where moms are mostly hailed as heroes ay walang kapatawaran ang pambabastos nina Andre at Kobe sa kanilang ina.

Marami tuloy ang na-turn off sa kanilang inasal dahil obviously ay mukhang hindi sila napalaki nang tama.
If they can do it to the very person na nagsilang sa kanila, ano pa kaya ang kaya nilang gawin sa mga taong hindi nila kadugo, ‘di ba?

Until now ay punung-puno pa rin ng galit ang magkapatid sa kanilang ina. Hindi pa talaga sila naka-move on.  Guwapo ka nga, bastos ka naman sa iyong ina, ano naman ang magiging impression sa ‘yo ng mga tao?

Read more...