Pagbabalik ni CLAUDINE sa ABS-CBN joke lang, mga BOSSING ng network ayaw nang kumuha ng problema

Bakit hindi nawawala ang tsikang babalik sa ABS-CBN si Claudine Barretto at makakasama pa raw niya ang pamangking si Julia Barretto sa gagawing serye nito?

Dedma kami sa tsikang ito dahil alam naming ayaw na ng ABS-CBN makatrabaho ang aktres at tanda naming sinabi ng isang bossing ng network na, “Sakit siya ng ulo, mahirap siyang katrabaho.”

Kaya kaagad nitong kinurek ang lumalabas na chika. Sabi ng TV executive na unang nakausap namin, “Wala kaming offer sa kanya.

Hindi ko alam sa ibang unit.  Si Dimples (Romana) ang nanay ni Julia sa Cofradia.  Saka, I doubt kung may offer siya sa TV.”
Sabi naman ng pangalawang TV executive na nakausap namin, “I don’t know kung saan talaga nanggaling ang isyu, wala kaming offer kay Claudine, wala rin akong alam na gagawa siya ng movie sa Star Cinema.”

At pahayag ng pangatlong bossing ng Dos, “I’m not privy nor authorized about critical matters like artists negotiations, so honestly hindi ko po alam.”

Tinext din namin ang head ng TV Productions na si direk Laurenti Dyogi tungkol sa pagbabalik ni Claudine sa Dos pero hindi pa kami sinagot hanggang sa natapos naming tipahin ang kolum na ito.

Read more...