Pananakit ng likod di lang dahil sa pagtanda

HINDI dahil madalas manakit ang likod ay senyales na tumatanda ka na. Kahit bata pa, posibleng may dahilan ang pananakit ng likod.

Madalas isinisisi sa edad ang pananakit ng likod o pagkakaroon ng back pain. May iba’t ibang pang dahilan ang pagkakaroon ng back pain bukod sa pagtanda.

Inisa-isa ng website na Everyday Health ang iba pang dahilan ng back pain: Paninigarilyo, mataas na timbang, poor eating habits, pagkakaroon ng spinal disease at iba pa pang kondisyong pangkalusugan katulad ng cancer.

Sa Pilipinas, 13 hanggang 15 edad ang aminadong naninigarilyo, ayon sa 2015 Global Youth Tobacco Survey (GYTS) na inilabas ng Department of Health’s Epidemiology Bureau. Ang sigarilyo ay nagtataglay ng nicotine na nagiging sanhi ng hindi maayos na pagdaloy ng dugo sa spinal disk na nagiging dahilan ng pananakit ng likod.

Ang pagiging overweight naman, ay mala-king factor ng back pain. Ayon sa ilang pag-aaral, ang mga tao na labis ang timbang ang pinakamadalas tamaan ng pananakit ng likod dahil sa laki ng tiyan. Nakakaapekto ito sa sa likurang bahagi ng katawan na nagdudulot ng pagkawala ng tamang postura ng katawan.

Ang mga tao naman na may poor eating habits, ayon sa pag-aaral ng Asian Spine Journal noong 2014, ay malaki rin ang epekto sa pagkakaroon ng back pain. Ayon pa sa pag-aaral, 31 porsyento ng mga kababaihan at 25 porsiyento ng mga kalalakihan ay nakararanas ng back pain dahilan ng pananakit ng tiyan sanhi naman ng pagkain ng mga processed foods at pagkaing kadalasang may sangkap na sugar.

Isa ring sanhi ng back pain ay ang iba’t ibang kondisyon sa likod tulad ng arthritis sa gulugod, scoliosis o pagkabalikot ng gulugod at sciatica o pagkaramdam ng pagtusok ng mga karayom sa balat at pamamanhid ng likod at iba pa.

Samantala, ang labis namang pananakit ng likuran ay maaaring pagkakaroon na ng iba pang health condition gaya ng cancer.

Ang tumor sa gulugod ay humahantong sa pananakit ng likod mula sa paglaki ng buto at paghina ng mga ito.

Para naman makaiwas sa pagkakaroon ng back pain, malaking tulong ang tamang postura maging sa pagtayo at pag-upo.

Mainam ang pagkakaroon ng regular na ehersisyo para mapanatili ang kakayahang pag-bend ng iba’t ibang bahagi katawan o flexibility.

Marapatin din na may sapat na kaalaman sa tamang posisyon at tamang pagbubuhat ng bagay. Ang pagsusuot naman ng flat na sapatos ay mainam din upang makaiwas sa back pain.

Read more...