Jean Garcia, Valerie Concepcion nagkasakitan sa taping ng ‘Ika-5 Utos’

UNANG week pa lang daw ng taping ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Ika-5 Utos, matitindi na agad ang fight scenes nina Jean Garcia at Valerie Concepcion.

Pero wala naman daw pikunan o personalab na nagaganap dahil pagkatapos ng kabugang eksena, nag-uusap agad ang dalawang aktres.

Sey ni Valerie, “Si Ate Jean din naman, we always ask each other after the scene na ‘Are you okay? Pasensya na.’ So medyo comfortable na at walang hard feelings talaga.”

Para naman kay Jean, trabaho lang ang lahat. Sanay na sanay na naman daw siya sa mga fight scenes at komprontahan to the max kaya wala nang issue sa kanya kung magkasakitan sila ni Valerie.

O ‘di ba, bongga ang professionalism ng dalawang bida sa Ika-5 Utos. Ngayon pa lang ay pinag-uusapan na ang bagong serye ng GMA kaya naman excited na ang buong sambayanan na mapanood ito. For sure papatok na naman ang seryeng ito sa mga Pinoy all over the universe.

Read more...