Pacquiao natakot kalabanin si Duterte, tameme sa isyu ng ‘stupid God’

MULA nang maging isang renewed Christian ay bukambibig na lagi ng noo’y hindi pa senador na si Manny Pacquiao ang pangalan ng Diyos, even citing Biblical passages. Nahahanapan niya ng kunek ang mga socio-political issues with inspiring insights which, in fairness, earn public admiration.

Hindi naman din kasi ikinakaila ni Pacman na tao rin siyang nagkasala noon, but has embraced renewal of spirit. At sa kanyang pagiging malapit sa Diyos has he found greater peace within himself.

Nakakapagtaka lang na sa isang ispiritwal na tao tulad ni Manny ay wala man lang siya kahit knee-jerk reaction sa blasphemous statement ni Presidente Rodrigo Duterte who, months ago, made public his endorsement of Manny bilang susunod na pambansang lider.

Hindi ba apektado si Manny ng kanyang sinasambang Diyos? O, sadyang tumahimik na lang siya as giving a statement or two might just put his political agenda at stake?

Buti pa pala si Bro. Eddie Villanueva, tatay ng kapwa senador ni Manny na si Joel, ng Jesus Is Lord Movement ay may hakbang sa tinuran ni Digong.

Eh, si Pacman, ang sagot sa BUNGANGA…TUNGANGA?

Pak na pak!

Read more...