‘GAGA’, Nar Cabico nominado sa Awit Awards 2018

NAR CABICO AT JENNYLYN MERCADO

NAKAKA-LSS (Last Song Syndrome) talaga ang hit single ng Kapuso singer-comedian na si Nar Cabico na “GAGA”.

Co-produced ito ng matalik niyang kaibigan at The Cure lead star na si Jennylyn Mercado.

Bukod sa ito ang naging isa sa theme songs ng top-rating GMA primetime series na The One That Got Away, nominated din ang “GAGA” for Best Novelty Recording at si Nar bilang Best New Male Recording Artist sa upcoming Awit Awards.

At dahil marami ang nahumaling sa kantang ito, talagang inabangan ang launch ng music video nito na ipinasilip na sa official Facebook and YouTube page ni Nar.

Mala-Beyonce ang itsura ng pambatong comedian ng GMA at talagang napasabak si Nar sa matitinding dance moves!

Speaking of The Cure, patuloy ang paghataw ng primetime series nina Jennylyn at Tom Rodriguez sa ra-tings game. Talagang inaabangan ng viewers gabi-gabi ang mas tumitindi pang mga kaganapan sa serye.

Napapanood pa rin ang The Cure after 24 Oras sa GMA Telebabad sa direksyon ni Mark Reyes.

Read more...