Arjo todo promote sa ‘Buy Bust’ ni Anne: 1st movie, here we go!

ARJO ATAYDE

KASAMA ba sa “Buy Bust” si Arjo Atayde? Lagi kasi niyang sine-share sa kanyang Facebook page ang full trailer ng pelikulang pinagbibidahan ni Anne Curtis na ipalalabas na sa Agosto 1.

Caption ni Arjo sa teaser video ng pelikula, “First movie!!! HERE WE GO.”

Maraming nagko-comment ng, “Congrats Idol!” sa post ng aktor na sinasagot naman niya ng, “Please do watch, Aug 1.”

Akalain mo, ang tagal-tagal nang sinu-shoot ang “Buy Bust” at malapit na ring ipa-labas pero ni minsan ay hindi man lang nabanggit ni Arjo na kasama siya sa pelikula. Wala rin siya sa trailer kaya ano kaya ang magiging papel niya sa international movie ni Anne?

Hindi na kami mag-e-expect na mahaba ang papel ni Arjo sa “Buy Bust” dahil baka guest lang siya. Pero malay natin, maikli nga ang role niya sa movie pero markado naman.

Well, at least may pelikula na si Arjo, sabi nga niya, “First movie, here we go.”

Makasama rin kaya sa presscon ng “Buy Bust” si Arjo? Hintayin na lang natin.

Read more...