BASED on their social media posts, pinaniniwalaang there e-xists a sibling rivalry between Andre and Kobe Paras.
As quick as the brown fox ‘ika nga’y mabilis ding nanghula ang mga netizens na posibleng ang pagiging mas malapit ni Kobe sa kanilang inang si Jackie Forster ang ikinasasama ng loob ng kuya.
For many years ay kelan lang nagkasundo ang kanilang mga ina. Mas itinuring pa ngang
magulang nina Andre at Kobe ang asawa ngayon ni Benjie Paras, bagay na hindi naman ipinilit nito much less cause his sons to sow hatred toward their biological mother.
Pero sa panahong ‘yon, sa aminin man ni Benjie o hindi ay napulaan ang kanyang mga anak for disowning Jackie as though hindi ito ang nagluwal sa kanila. While Jackie could be faulted for her shortcomings, the fact remains na nanay pa rin siya.
Everything though ended on a happy note. Marahil, napagtanto rin nina Andre at Kobe na sa kabila ng mga atraso ni Jackie, she needed to exercise her right to motherhood.
Tiyak ding labis itong ikinatuwa ni Benjie, seeing his sons reunited with their mother.
Pero kung totoong minamasama ni Andre ang pagiging makaina ni Kobe ay isang bagay na dapat na lang niyang ipaubaya sa nakababatang kapatid.
Kobe, aside from his drop-dead looks, has a mind of his own na hindi maaaring diktahan o sulsulan. If Andre resents Kobe’s renewed closeness sa kanilang ina, as an elder brother ay dapat nauunawaan niya ito.
It’s a typical family setup, after all. Ang lalaking anak ay kalimitang makaina in much the same way that daughters are generally maka-daddy. Nagkataon pang bunso si Kobe who is more clingy to the mom.
Intindido namin ang pakiramdam ni Kobe ngayong burado nang lahat ang pangit na nakaraan niya sa kanyang ina. He sorely missed motherly hugs and kisses na sa matagal na panahon ay ipinagkait sa kanya.
A hardcourt attraction, tiyak na bawat dribble-and-shoot na ginagawa niya, he dedicates it to Jackie despite the once-“foul game” he and his Kuya Andre had found themselves playing.