SIGURADONG madaling naubos ang mga ibinebentang branded shoes and bags ni Jinkee Pacquiao.
Nagpa-garage sale kasi ang misis ni Sen. Manny Pacquiao kamakailan sa mansyon nila sa General Santos City.
Naglinis daw kasi ng kanyang mga closet si Jinkee at ilan nga sa mga mamaha-ling bag at sapatos niya na hindi na niya nagagamit ang inilagay niya sa kanyang garage sale kabilang na ang mga Hermès Kelly at Birkin bags.
Ayon sa isang website, ang pink Birkin bag ni Jinkee ay nagkakahalaga ng P800,000 to P1.1 million pero ibinenta lang ng P450,000.
Sa Facebook account ng isang Rosalie Cagas Cajurao naka-post ang mga ibinebentang shoe and bag collection ng asawa ni Pacman.
Ilan sa mga sapatos na pwedeng mabili sa bonggang garage sale ni Jinkee ay ang kanyang high heels from her Fendi and Manolo Blahnik collection. May mga nakabili raw sa mga ito sa halagang P3,000 kada pair.