IBINAHAGI ni Aubrey Miles sa kanyang Instagram account ang bagong good news sa pagsasama nila ng asawang si Troy Montero.
Yes, buntis na uli ang sexy actress sa ikatlong anak nila ni Troy. Isang poster ng tila pelikula ang ipinost ni Aubrey sa IG na may titulong “The New Roommate” at dito nga nakasabit ang isang pares ng baby shoes. Makikita sa poster ang mag-asawa na nakaupo na parang may hinihintay.
“We’re so excited… another baby… yahoo! I wonder if it’s gonna be a boy or a girl. Either way it doesn’t matter to us. We will love and protect this blessing with all our love… see you soon!” ang nakasulat sa ibabang bahagi ng movie-themed poster.
May dalawa nang anak ang 40-year old actress, si John Maurie mula sa dati niyang partner at si Hunter Cody, ang panganay nila ni Troy.