Aktres binansagang Anaconda, may modus sa pang-aahas ng lalaki
MAS gustong tawagin ng Anaconda ng grupo ng isang non-showbiz girl ang isang kilalang aktres kesa sa kanyang tunay na pangalan. Mas nababagay raw sa female personality ang tawag na ganu’n.
Pare-pareho raw kasi ang ginagawang atake ng aktres kapag may nagugustuhan siyang lalaki. Kakaibiganin niya muna ang mga taong close sa lalaki lalo na ang karelasyon nito.
Kuwento ng aming source, “Naku, tawanan nang tawanan ang tropa ng mga girls habang pinag-uusapan siya. Nu’ng una, e, Jennifer Lopez ang tawag sa kanya ng mga girls, kasi nga, si Jennifer ang bida sa pelikulang Anaconda, di ba?
“Pero may kumontra sa umpukan, hindi raw dapat ang pangalan ng internatio-nal performer ang itawag sa kanya, ‘yung mismong higanteng ahas daw, dahil isa nga siyang anaconda.
“Ayun, kaya kapag nag-uusap-usap na ang grupo, Anaconda na ang tawag sa kanya. Like nu’ng minsan, may nagtanong sa girl, ‘O, may-I-deny si Anaconda, hindi raw totoong inagawan ka niya ng karelasyon!’
“Ganu’n na silang mag-usap ngayon, bumibida ang ahaserang girl, talagang matunog na Anaconda na ang tawag sa kanya!” napapailing na chika ng aming source.
Pinag-aralan palang mabuti ng aktres ang mga likes and dislikes ng lalaki sa pamamagitan ng karelasyon nito. Tanong siya nang tanong kung anu-ano ang paboritong food ng lalaki. Pati ang mga gusto nitong brand ng t-shirts ay pinag-a-ralan din niya.
Balik-chika ng aming grupo, “Ginawa niyang resource person ang girlfriend ng guy, tinatandaan niyang mabuti ang mga nakukuha niyang information tungkol sa lalaki.
“Natural, gulat na gulat naman ang guy dahil kapag nireregaluhan siya ng girl, e, ‘yung mga gusto niya ang natatanggap niya! Magaling, magaling, magaling! Talagang lahat ng paraan, e, gagawin ng babaeng ‘yun basta may ginusto siya!
“Nag-aaral siya, naghahanda siya, para nga naman one hundred percent siyang magustuhan ng guy! Minaster na niya ang ganu’n, kaya lang, nabubuking din naman ang mga kadramahan niya!” pagtatapos ng aming impormante.
Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, mauupo pa ba naman kayo nga-yon sa Row 4 na katabi ang mabantot na basurahan?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.