TODO-TODO ang pasasalamat ng mga fans nina Maymay Entrata, Maris Racal at Loisa Andalio kay Unkabogable Star Vice Ganda.
Ang tatlong Kapamilya youngstars kasi ang mga masuwerteng napili para makasama ni Vice sa pelikulang “Fantastica: The Princess, The Prince and The Perya” na isa sa magiging official entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.
Ito’y sa ilalim ng ABS-CBN Productions at Viva Films, sa direksyon ni Barry Gonzales.
In fairness, ilang minuto lang ang lumipas matapos naming i-post sa social media accounts ng BANDERA, sandamakmak na comments and likes na agad ang nakuha nito mula sa supporters nina Vice, Maris, Loisa at Maymay.
Ayon sa fans ng tatlong bagets, hindi pagsisisihan ni Vice at ng Star Cinema/Viva Films ang pagkuha sa tatlong promising youngstars ng ABS-CBN. Magsasanib-pwersa raw sila para maging number one sa takilya ang “Fantastica” sa Pasko.
Bukod sa entry ni Vice, pasok din sa First 4 ng MMFF 2018 ang horror/thriller na “Aurora” na pagbibidahan ni Anne Curtis, directed by Yam Laranas sa ilalim din ng Viva Films.
Ikatlong napili ang romance-drama movie na “Girl In The Orange Dress” nina Kim Chiu, Jessy Mendiola, Jericho Rosales, Sam Milby, Tom Rodriguez at Keith Thompson under Quantum Films at MJM Productions, directed by Jay Abello.
Makikipagbakbakan din sa taunang filmfest ang entry nina Vic Sotto at Coco Martin na “Popoy En Jack: The Pulis Credibles” sa ilalim ng CCM Film Prod, MZET Prod at APT Entertainment. Ito ay ididirek ni Rodel Nacianceno.
Mula sa 24 scripts na isa-isang binasa ng MMFF Selection Committee na pinamumunuan ng National Artist na si Bienvenido Lumbera, apat nga ang maswerteng napili para maging bahagi ng MMFF 2018 based on the following criteria: Artistic Excellence (40%), Commercial Appeal (40%), Filipino Cultural Sensibility (10%) at Global Appeal (10%).
Samantala, ang natitira pang apat na official entry ay pipiliin sa mga finished films na may deadline hanggang Sept. 21 habang ang mga scripts para sa short film category ay dapat mai-submit bago mag-Aug. 31