PANALO na naman ang 2018 Metro Manila Film Festival kung pagbabasehan ang unang apat na official entries na inihayag nito last Friday.
Pasok kasi ang mga box-office stars sa kani-kanilang entry gaya nina Vic Sotto, Vice Ganda at Coco Martin na humakot din ng milyun-milyon sa takilya sa 2017 MMFF, huh!
Pasado rin sa Magic 4 ang horror movie ni Anne Curtis, ang “Aurora” at nagustuhan din ng MMFF Screening Committee ang script ng “The Girl in Orange Dress” na pagbibidahan nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola mula sa Quantum Films at MJM Films.
May pag-asa pa naman ang hindi napiling entry base sa script dahil ang huling apat na official entries ay may chance pa hanggang Sept. 21 para magpasiklab sa mga pipili base sa finished product na isusumite nila.
Base sa inilabas na lead stars ng apat na entries, may kulang pang cast ang ilang entry. Wala pang lalabas na The Prince si Vice habang wala pang kapareha sina Vic at Coco sa entry nilang “Poy and Jak: The PulisCredibles.”
Wala pa rin ang entry ng Regal Entertainment na every year ay inaabangan din sa taunang festival. Wait na lang natin kung horror ba ito, comedy o drama?