Maine ka-join din sa 2018 MMFF entry nina Vic at Coco?

MAINE MENDOZA

OFFICIAL nang magsasama for the first time sina Coco Martin at Vic Sotto sa isang movie na kasali sa Metro Manila Film Festival 2018.

Pero merong lumabas na makakasama raw si Maine Something sa movie ng dalawa?

While fans of Maine rejoiced upon hearing the good news kahit hindi pa naman official, marami rin ang nam-bash sa dalaga. Nagsagutan ang fans ni Maine at ng bashers.

“Nakow magpapabebe lang dyan si Maine hanaha.”

“Okay na ang Coco-Vic tandem sana di na lang isinama si yaya dub na bano naman umarte.”

“Bakit heavy drama ba yan? Kita mo na ba umarte si Maine? Ke galing at natural na natural! Inggit!”

“Puro nguso at nakausling ngipin na naman ba ipapakita?”

q q q

Aliw kausap si PBA Party List Congressman Jericho Nograles. Game na game sa showbiz topics.
Inamin niya na crush niya si Carmi Martin.

“Crush ko siya noong bata ako. Noong nagpunta ng Davao si Carmi Martin ay naka-red dress siya at kumanta ng My Funny Valentine. Nagpa-picture ako sa kanya,” say niya.

When asked kung sino ang type niyang gumanap bilang siya kapag naisalin sa TV drama ang kanyang buhay, game niya itong sinagot.

“Matatawa kayo kasi tingin ko si Jericho Rosales. Kasi, unang-una, pareho kaming magkatunog ng pangalan. Siya Jericho Rosales, ako Jericho Nograles. Tapos, pangalawa, maniwala kayo, pareho kaming kulot,” he said.

Read more...