NA-SHOCK ang mga fans ni Liza Soberano sa ipinost niyang litrato ng isang ultrasound sa Instagram. Inakala ng mga ito na buntis ang Kapamilya actress.
“It seems like 2019 is going to be an exciting year. I certainly was not expecting this and wanted to tell everyone personally!! These two are due in March!! I can’t wait to see the happiness they bring,” ang nakasulat sa litratong ipinost ni Liza.
Sandamakmak na comments agad ang nakuha ng IG post ni Liza at karamihan nga sa kanila ay nagtanong kung buntis siya.
Agad namang sumagot si Liza sa kanyang followers, “I’m not sure who the parents are, so copy and paste to freak everyone out.”
MOST READ
LATEST STORIES