NAGLABAS ng public statement ang Marvel Philippines sa Facebook page nito kaugnay ng isang screen shot ng naging usapan nito sa isang fan.
Pakiusap ng fan, gawan ng aksyon ang isang Philippine TV network dahil sa umano’y panggagaya sa costume ng bida sa upcoming series ng istasyon na isang paglabag sa Intellectual Property Law.
“PUBLIC STATEMENT on this FAKE NEWS:
“Hello. True Believers!
“It has been brought to our attention that a screenshot of our conversation with a fan has been circulating over social media. It was about a fan’s plea for Marvel to take action against a Philippine television network over a potential dispute on intellectual property over an upcoming show.
“We’d like to reiterate and emphasize that our page is NOT owned NOR affiliated with Marvel, its entertainment division, and the like. The page was created to build an avenue for Filipino Marvel fans to interact with each other. This page is also NON-PROFIT – and we’d like to keep it that way, forever.
“In line with this, we are NOT suing anyone, and we have no future intention to do so. This is FAKE NEWS.
“Fellow Marvel fans, help us spread the REAL story. Our fandom is at stake. We’ve united as one two months ago – surely we can do it once more. – EXELSIOR!”
Ang tinutukoy na programa sa nasabing isyu ay ang bagong fantasy-action series ng GMA 7 na Victor Magtanggol.
Palibhasa, marami na ang abangers sa series na ito ni Alden Richards kaya lahat ng paninira ay ginagawa para lang huwag tangkilikin ng publiko ang VM.
Eh, hindi naman tanga at bobo ang namamahala sa programa para gumawa ng character na lalabag sa Intellectual Property Law, huh!
Ayan tuloy, mas umingay pa ang Victor Magtanggol dahil sa fake news na ipinakakalat ng mga detractors ni Alden at ng mga haters ng GMA na halatang threatened sa pagbabalik primetime ng Pambansang Bae.