HUMINGI ng tawad ang kontrobersyal na Internet personality na si Xian Gaza sa kanyang anak na lalaki.
Heartbreaking ang litratong ipinost ni Xian sa social media kung saan makikitang karga niya ang anak na may caption na, “I just realized recently na kahit anong landas pa ang tahakin ko or kahit anong gawin ko sa buhay ko eh I will just always feel incomplete because my son is always and shall forever be a part of me no matter what.
“Hindi ko lang talaga matanggap pa hanggang ngayon na ang worst consequence ng lahat ng ginawa kong kat@rant@dvhan sa buhay eh ‘yung mahiwalay at malayo sa kanya ng tuluyan for good, na this is all my fault.
“Magpaka-ama is a choice and I chose to be a selfish y.o.l.o. bachelor in expense of my personal relationship with my very own son that I will deeply regret for the rest of my life. I miss you so much, anak. I love you,” aniya pa.
May isa pang litratong post si Xian na katabi ang anak habang tulog na may caption na, “Malapit ng dumating ‘yung araw na ika’y magkakaisip na at ako’y iyong sobrang ikakahiya at kasusuklaman. Mababasa mo ito few years from now anak, so please listen to Papa. If you will search ‘Xian Gaza’ on Google, Facebook and YouTube you will see thousands of links, articles, headlines, photos, videos and all. Everything you’ll see is true.
“Unfortunately, ako ‘yung ama mo. I am very sorry anak. Mahal na mahal kita and I will forever love you no matter what. I will always be your proud Papa Ian.”
Limang taon at anim na buwang makukulong si Xian dahil sa paglabag sa kasong Batas Pambansa Bilang 22, o Bouncing Check Law.
Naging popular si Xian matapos niyang yayaing mag-coffee date si Erich Gonzales sa pamamagitan ng billboard sa Morayta, Manila.