Resbak ni Kobe Paras sa haters: I control my life!

Tila napuno na rin ang Kapuso cager na si Kobe Paras sa mga intriga at tsismis tungkol sa kanila ni Andre Paras at sa parents nilang sina Benjie Paras at Jackie Forster.

Ayaw kasing tumigil ang mga netizens sa pamba-bash kay Benjie at sa asawa nitong si Lyxen Diomampo na kumakampi naman sa kanyang inang si Jackie. Inaakusahan sina Benjie na kinokontrol daw ang buhay nilang magkapatid.

Sa kanyang Twitter account, nag-post si Kobe ng mensahe para tumigil na ang mga netizens sa pang-iintriga sa kanilang pamilya.

Tweet ng binata, “I control my life. Not my mom. Not my dad. I do.

“Everything I do is my decision & my choice.

“I don’t want to hear anymore fake news that my dad/mom chooses, controls, tells me what to do or say.

“Because this is my life and I live in a circle of consequences that I made.”

Read more...