Walang kinalaman si Kris Aquino o ang dating partner ni Mayor Herbert Bautista na si Tates Gana kaya na-delay ang birthday gift ng alkalde ng Quezon City sa press. Ngayon lang naman ito na-delay pero alam namin ang dahilan kung bakit.
Ayaw muna naming ilabas ang detalyadong rason ng pagkaka-delay pero para sa naghihintay na showbiz press, isang project ang hindi natapos noong 50th birthday ng Q.C. Mayor last May ang isasabay niya sa yearly treat ng pamilya niya sa press.
Bale magiging regalo na rin ni Mayor HB sa press ang project na ‘yon na siguradong magugustuhan ng ating colleagues.
Eh, ‘yung bakasyon sa abroad ni Mayor, graduation gift niya ‘yon para sa anak niya kay Tates na si Athena. Pagdating sa mga anak, hind matatawaran ang pagiging responsableng ama ni Mayor Bistek.
‘Yung parinig naman ni Kris, hindi naman masyadong sineseryoso ‘yon ni Mayor. Nagkakaintindihan na silang dalawa at magkaibigan na lang ang turingan nila sa isa’t isa.
Ang Q.C. at mga anak ang pinagtutuunan ng atensyon ngayon ni Mayor kaya friends na lang siya sa mga ina ng kanyang mga anak at kasama na roon si Kris kahit na nga may mga pahaging pa rin sa kanya ang Multi-Media Queen, huh!
Eh, ang sister naman niyang si Harlene Bautista, pagdating sa birthday treat sa press, naghihintay lang siya sa go signal ng Kuya Herbert niya dahil daw hindi niya pinaiiral ang sariling desisyon.