Hugot ni Angelica sa bagong manliligaw: Yes, I’m single!

ANGELICA PANGANIBAN

Mukhang ready na nga ang Hugot Queen na si Angelica Panganiban na magkaroon ng bagong boyfriend, ilang taon makaraan ang kontrobersiyal na break-up nila ni John Lloyd Cruz.

Sa kanyang Instagram account kasi, nag-post si Angelica ng kanyang photo na may caption na: “Yes, I’m single. And you’ll have to be amazing to change that. — anonymous.”

Ang paniniwala ng kanyang mga followers ay si Carlo Aquino ang pinariringgan niya sa kanyang bagong hugot. Nababalita kasi na mas nagiging close ngayon ang mag-ex dahil sa ginagawa nilang bagong movie.

May mga pahalik pa nga sa batok si Carlo kay Angelica sa isang IG phost ng aktor.

Comment nga ng follower ni Angelica na si, @gilliankooo, “Excuse me po Mr. Carlo Aquino..I believe your an amazing person so please make a move!”

Read more...