Nanlait sa costume ni Alden nganga, supalpal

ALDEN RICHARDS

ABA, effective ang costume ni Alden Richards sa Victor Magtanggol dahil pinansin agad ito ng kanyang bashers, haters at negatibong netizens, huh!

Siyempre, nagmamagaling na naman ang mga ito para masiraan at i-down ang upcoming superhero series ng Pambansang Bae.

Sorry na lang sa kanila dahil walang epekto ang mga kuda nila sa costume ni Alden. Di hamak kasing na mas marami ang pumupuri kesa sa mga naninira.

Sa totoo lang, super-hanga ang publiko sa Victor Magtanggol costume ni Alden dahil world class daw ang dating nito. Bumagay pa ‘yon sa kakisigan ng binata. Eh, gawang Pinoy rin ito kaya todo ang pagmamalaki ni Alden.

Naku, mas lalong magngingitngit ang haters ni Alden once umere na ang VM at makita nila ang bonggang special effects nito na ginastusan talaga ng GMA Network!

Read more...