Glaiza nakarating sa ‘Suicide Mountain’ sa Australia: Grabe ‘yun! talagang kikilabutan ka!

GABBY EIGENMANN AT GLAIZA DE CASTRO

DIRETSAHANG inamin ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro na inaatake rin siya ng matinding depresyon, lalo na kapag feeling niya ay nag-iisa lang siya sa mundo.

Nakausap namin si Glaiza sa taping ng top-rating afternoon serye nilang Contessa sa GMA at dito nga napag-usapan ang tungkol sa tumataas na bilang ng suicide cases sa bansa na sanhi ng depression.

“Honestly, ako nararamdaman ko ‘yun. ‘Yung depression. Nararamdaman ko ‘yung darkness…’yung kapag napi-feel kong hopeless ako. ‘Yung ganu’n, parang mag-isa ka lang.

“Tapos siyempre may mga bagay na hindi mo masabi sa pamilya mo, may mga kaibigan ka na hindi naman always available, di ba? So may mga times na hindi mo maintindihan bakit feeling mo mag-isa ka,” kuwento ng pambatong bida-kontrabida ng Kapuso Network.

Anong outlet mo kapag ganoon ang nararamdaman mo? “Music. Music po talaga para sa akin ‘yung nakakatulong para sa akin. ‘Yung pagsusulat din ng kanta para ma-release ko ‘yung lahat ng negative thoughts ko kasi kailangan ma-release, eh.

“Kapag ‘di mo siya ni-release, parang maiipon siya tapos bigla ka na lang sasabog. Noong nagpunta nga po kami sa Australia, meron kaming pinuntahan doon na cliff. Marami raw nagsu-suicide doon.

“Kasi sa sobrang ganda niya, ‘yung mga tao, ie-end na lang ‘yung buhay nila kasi parang okay na ako dito.

Pak! Talon. Tapos may pictures din ng mga namatay doon,” kuwento ng aktres.

Anong naramdaman mo noong nandoon ka? “Kinilabutan ako tapos naisip ko if I were in their shoes parang bakit kaya? Kasi ‘yung moon nagre-reflect doon sa dagat, tapos nasa taas ka, tapos feeling mo okay na ‘to. Ito na ‘yun. ‘Yung ganun.

“Parang minsan kasi may entitlement ka na hawak mo ‘yung buhay mo, eh. Na may control ka sa kanya pero ang totoo meron tayong freedom to choose kung anong gusto nating gawin, kung ano ‘yung mga decisions natin pero ano ‘yung magiging effect noon, di ba?

“Sa sarili mo at sa mga tao na nasa paligid mo. So kami, bilang celebrities, mas magnified ‘yung galaw namin. Siguro mas may pressure dahil kapag nagkamali ka parang twice ‘yung baggage.

“Tapos kapag dine-defend mo ‘yung sarili mo, minsan nakaka-frustrate na parang ano ba yan bakit parang walang naniniwala,” aniya pa.

Samantala, kahit super pagod at puyat, mas ganado pa ring magtrabaho ngayon si Glaiza dahil sa patuloy na pagtaas ng rating ng afternoon series nilang Contessa.

Medyo patayan daw ngayon ang taping nila sa Contessa dahil wala silang naibabankong episode. Apektado raw ng walang tigil na pag-ulan ang kanilang taping schedule.

Nu’ng dumalaw nga kami sa set ng serye, ang mga eksenang kinunan daw ng umaga ang siyang ipinalabas kinahapunan kaya talagang ngarag silang lahat.

Pero sey ni Glaiza worth it naman ang lahat ng sakripisyo nila pati na ng buong production dahil sa patuloy na suporta ng mga manonood.

Sa katunayan, palagi ring trending topic sa social media ang mga pasabog na episode ng afternoon Kapuso series, lalo na kapag nagtatalakan at nagbubugbugan na sina Contessa (Glaiza), Vito/Duquessa (Gabby Eigenmann), at Daniela (Lauren Young). Idagdag pa ang mga nakakalokang eksena ng mga palaban ding veteran stars na sina Chanda Romero bilang si Charito at Tetchie Agbayani bilang si Guadalupe.

Sa huling episode na napanood namin, binaliktad na ni Charito ang sitwasyon para madiin si Contessa sa mga kasong kinasasangkutan nila. Pero hindi magpapatalo si Contessa dahil sisiguruhin niyang patutumbahin niya ang mga kalaban.

Ang inaabangan ngayon ng manonood ay ang mas matitindi pang confrontation scenes nina Glaiza at Gabby, lalo na ngayong isa nang transgender na leader ng sindikato ang aktor.

Napapanood pa rin ang Contessa after Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime. Ka-join pa rin dito sina Jak Roberto, Geoff Eigenmann, Karel Marquez at marami pang iba, sa direksyon ni Albert Langitan.

Read more...