ISA lamang sa bawat apat na Filipino ang may-alam ng Federal system na isinusulong ng administrasyong Duterte, ayon sa Social Weather Stations (SWS).
Sa survey na ginawa mula Marso 23-27, tinanong ang 1,200 respondents: “Kung gagawing Federal ang sistema ng gobyerno sa Pilipinas, magkakaroon ng mga bagong gobyernong lokal na mas mataas kaysa sa mga probinsya,
Ngunit mas mababa kaysa sa gobyernong pambansa. Dati na ba ninyong alam ito, o ngayon lang po ba?”
Ang sagot ng 75 porsyento ay hindi nila ito alam, at ang 25 porsyento lamang ang may alam nito.
Sa National Capital Region ang may alam ay 28 porsyento at ang 72 porsyento ay wala.
Sa iba pang bahagi ng Luzon ay 20 porsyento ang nakakaalam at 80 porsyento ang hindi.
Sa Visayas ay 22 porsyento ang nakakaalam at 78 porsyento ang hindi.
Sa Mindanao ay 37 porsyento ang nakakaalam at 63 porsyento ang hindi.
Sinabi naman ng 37 porsyento (14 porsyentong lubos na sumasang-ayon at 23 porsyentong medyo sumasang-ayon), na pabor sila sa federal system ng gobyerno.
Hindi naman pabor ang 29 porsyento (17 porsyentong lubos na sumasang-ayon at 12 porsyentong medyo hindi sumasang-ayon).
Ang undecided naman ay 35 porsyento.
Ang survey ay mayroong error of margin na plus/minus tatlong porsyento.