Isa wagi ng P31.8M

ISANG mananaya ang nanalo ng P31.8 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang tumaya sa winning number combination na 27-15-07-39-26-19 sa bola noong Martes ng gabi.
Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong.
Samantala nanalo naman ng tig-P16,550 ang 47 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero.
Tig-P360 naman ang tinamaan ng 1,721 mananaya na nakaapat na numero. Balik ang P20 taya ng 11,485 mananaya na nakatatlong numero.
Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Read more...