BUMIDA ang Pilipinas sa latest music video ng K-pop girl group na Momoland para sa latest single nilang “Baam”. Nagsilbi kasi itong tribute sa mga bagay na may konek sa mga mga Pinoy.
Sa video, nakasuot ng baro’t saya ang members ng grupo na may hawak pang Philippine flag, meron ding naka-basketball jersey habang nagsasayaw sa harap ng makulay na jeepneys na sasakyang identified sa bansa.
Isa sa members ng grupo si Nancy na sinasabing look-alike ni Liza Soberano. Hoping siyang mami-meet nang personal ang young actress at ibang fans sa pagbisita nila sa bansa sa August.
MOST READ
LATEST STORIES