Mark Bautista walang lovelife: Pero kung may darating man, at least wala na akong itatago!

WALANG lovelife ngayon si Mark Bautista. Pero open naman daw siya sa pakikipagrelasyon kung sakaling may dumating na tao na magmamahal sa kanya at mamahalin din niya.

Looking good at mukhang super happy naman si Mark sa kanyang buhay ngayon nang makachika namin the other day sa presscon ng bago niyang play, ang “Eto Na! Musikal nAPO!” featuring the hit songs of The APO Hiking Society.

Lumikha ng kontrobersya ang inilabas niyang libro ilang buwan na ang nakararaan kung saan inamin niya ang kanyang pagiging bisexual. Dito rin niya idinetalye ang mga hinding-hindi niya malilimutan na kaganapan sa kanyang buhay at career.

Nang tanungin ng media kung may dyowa ba siya ngayon, diretso ang sagot ng singer-actor, “Wala, e. Single pa rin. Para kasing pagkatapos nu’n (pag-come out), sabi ko, okay, isantabi ko muna ‘yan. Pag may papasok, kung may darating sa buhay ko na ganu’n, well, at least kilala na nila ako, wala na akong dapat i-explain sa buhay ko, so just accept who I am.”

Dito, inamin din niyang plano na sana niyang iwan na muna ang Pilipinas dahil inaasahan na niya ang mga negatibong effect na pag-amin niya sa tunay niyang pagkatao.

“Honestly, nu’ng una inisip ko na talaga na mag-States na lang dahil ilang buwan na rin naman akong nandoon (para sa musical play na Here Lies Love). Maghanap na lang kaya ako ng mga trabaho doon, mag-audition na lang ako nang mag-audition.

“Parang feeling ready na rin naman akong tumira doon, e, kung sakaling wala nang magbigay work dito. Pero kabaligtaran ‘yung nangyari.

“Maraming opportunities na dumating after the book, including my 15th anniversary concert so sabi ko, let’s do it,” pahayag pa ni Mark.

Tungkol naman sa kumalat na nude video raw niya, sana raw ay may magpakita sa kanya nito, “Actually, gusto kong makita yung original kung meron mang may hawak…kung talagang may hawak siya (video).

“Hindi ko alam kung saan nila nakuha yung video na yun. Kung may maipakita sila na totoong video dun kasi…gusto kong makita,” aniya. Dugtong ni Mark, “Kung makita ko naman na ako ‘yun, aaminin ko.”

Sey pa ng singer, “Gusto kong balikan kung saan ko ba ginawa ito. Hindi ko maalala. I don’t even know (kung siya yun o hindi). Kaya di ko na rin pinapansin kasi parang ano ba ‘to? Ayoko nang pag-usapan, actually. Ayokong pag-usapan.”

q q q

Samantala, nagbigay ng pasampol si Mark at ang buong cast ng “Eto Na! Musikal nAPO!” sa ginanap na mediacon ng play kamakalawa na dinaluhan din ng isa sa miyembro ng APO na si Jim Paredes. Hindi naman nakarating sa event sina Boboy Garovillo at Danny Javier.

In fairness, ilang eksena pa lang ang napanood namin sa pasampol nina Mark pero senting-senti na kami at talagang throwback pa more ang feeling.

Kaya sigurado kami na maraming manonood sa musicale na ito from all ages, kabilang na ang mga millennials at mga titos at titas of Manila.

Sabi nga ni Mark, “Ang mga songs, bagay na bagay sa musical. Naalala ko, Danny Javier is my distant tito.

“Ang maganda pa sa musical na ito dahil lahat kami it’s a team effort na walang sumasapaw. Tinanggap ko siya dahil maganda yung songs na kakantahin ko.” Kabilang sa mga kakantahin ni
Mark sa play ay ang “Di Na Natuto” at “Nakapagtataka.”

Mapapanood na ang “Eto Na! Musikal nAPO!” sa Maybank Performing Arts Center sa BGC, Taguig City, simula sa August 3-5, 10-12, 17-19 at 24-26, 2018, 8 p.m. on Fridays, Saturdays and Sundays, at 3 p.m. on Saturdays and Sundays.

“Eto Na! Musikal nAPO!” is written and directed by Robbie Guevara with Daniel Bartolome as musical director. For tickets, contact Ticketworld at 8919999. This is a production of 9 Works Theatrical and Globe Live, co-presented by FOXlife and FRONTROW.

Read more...