Kris kay Aljur: Ang tanda na natin…proud of you!

KRIS BERNAL AT ALJUR ABRENICA

KINILIG ang mga fans ng dating magka-loveteam na sina Kris Bernal at Aljur Abrenica nang makita ang litrato ng dalawa sa Instagram.

Si Kris ang nag-post ng picture nila ni Aljur sa IG na kuha nang magkita sila sa isang event recently. Nilagyan niya ito ng caption na: “Ang tanda na natin! Lol! Proud of you. You have accomplished a lot. Congratulations on your beautiful family.”

“I’m sure your new role as a parent is filled with so much love and happiness,” dugtong pa ng Kapamilya actress na aminadong nami-miss din niya ang AlKris tandem.

Read more...