MAY stark contrast ang “love boat” na magkahiwalay na sinasakyan nina Kris Aquino at Aiko Melendez.
Ani Kris, “No to mayor again.” Ito’y makaraang mapagtanto na hindi siya pinalad kay QC Mayor Herbert Bautista. Kumbaga, one mayor is enough sa katauhan noon ni ex-Mayor Joey Marquez ng Parañaque.
Ito’y as opposed to Aiko whose current romance with another mayor (ng Subic pagkatapos ng sa kanila noon ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses) is coming up roses.
But what’s in a mayor or any elective local post? Hindi naman siguro sa puwesto nakaangkla ang kapalaran—o kamalasan—ng isang tao in matters of the heart.
What seems obviously ironic nga lang sa kaso ni Kris, isinilang siya sa Araw ng mga Puso yet hindi naman niya maangkin nang kanyang-kanya ang araw na para sa mga mangingibig.
Or is Kris in love with the idea of love, at incidental na lang kung mayor o hindi ang pinaglalaanan niya nito?