Carlo, Angelica naaksidente: Ang usapan joyride, bakit tayo nabangga? #Pariwara!!!


NABANGGA ang kotse nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino sa isa pang sasakyan sa isang kalye sa Quezon City.

Minor lang naman ang naganap na aksidente kaya nakapagbiro pa si Angelica sa kinunan niyang video habang nakikipag-usap si Carlo sa driver ng nakabanggaang sasakyan.

Maririnig sa video ang pagtawa ng Kapamilya actress sabay dialogue ng, “Meron po siyang problema.” Nang bumalik sa kotse ang binata ay tinanong agad siya ni Angelica ng, “Anong ginawa mo?”

Sagot ng aktor, “Magbabayad lang ako sandali.”

Ipinost ng dalaga ang nasabing video sa kanyang Instagram account at nilagyan ng caption na, “Ang usapan, joyride… Bakit tayo nabangga? (laughing with tears emoji) ‘etong mga batang 90’s na ‘to! Pariwara!’ [peace emoji] #DeserveMoAngFeedPost #TanghalingTapatKasi @jose_liwanag.”

Samantala, nagsu-shooting na ang ex-couple para sa bago nilang movie na “Exes Baggage” directed by Dan Villegas. Naniniwala ang kanilang fans na posibleng magkaroon ng part 2 ang kanilang love story habang ginagawa nila ang pelikula.

Sa katunayan, kilig na kilig ang netizens nang makita ang latest sweet photos ng dalawa sa IG. Ito ‘yung litrato kung saan niyakap ni Carlo si Angelica sabay halik sa leeg nito.
Well, let’s just want and see!

Read more...