“Mayroong mga member din naman ng simbahan na radikal ang pag-iisip pero in general, ‘yun namang leadership ng simbahan ay hindi nakikialam,” sabi ni Saycon sa panayam ng Radyo Inquirer 990AM.
Nilinaw naman ni Saycon na hindi naman direktang nagmumula ang mga banta sa Simbahan bagkus ay mula ito sa mga organisasyong konektado sa mga may banyagang interes.
Naniniwala rin si Saycon na ang pagiging palaban ng pangulo sa mga banyaga tulad ng Amerika ay isa sa maaaring mag-udyok sa mga nasabing destabilisasyon.
Idinagdag ni Saycon na layunin ng dayalogo sa pagitan ng gobyerno at ng Simbahan na mapaganda ang relasyon ng administrasyon sa iba’t ibang religious groups sa bansa.
“We have to come clean hands, clean hearts, to listen and ask the Church on how we can foster their good relationship between government and the church,” dagdag ni Saycon.
Sinabi pa ni Saycon na bilang miyembro ng Edsa People Power Commission, nais ng gobyerno na maulit ang Edsa uprising, kung saan malaki bahagi ang naging papel ng Simbahang Katolika.
Bukod kay Saycon, itinalaga rin sa komite na makikipagdayalogo sa Simbahan sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella.
MOST READ
LATEST STORIES