Young actor jackpot sa piling ng dyowang gay celeb, pati GF na aktres damay sa swerte

TOTOONG kinaiinggitan ng kanyang mga kagrupo ang isang guwapong young actor, maraming dahilan kung bakit, mga tanong na gusto nilang itanong nang diretso sa kanilang kamiyembro pero hindi naman nila magawa-gawa.

Marami namang sumasang-ayon sa kuwento, pare-pareho lang naman ang kanilang kinikita, pero bakit nasusunod ang layaw ng bagets?

Kuwento ng aming source, “E, hindi rin naman mayaman ang pamilya ni young actor, tumutulong pa nga siya sa family niya, kaya nagtataka ang mga kasamahan niya kung bakit bonggang-bongga ang lifestyle niya?

“Napakaraming imported stuff ng bagets, nakikita ‘yun ng mga kagrupo niya, kung saan nanggagaling ‘yun ay hindi naman nila ma-trace! Basta na lang nakikita nila ang bagets na suut-suot na ang mga branded niyang kagamitan,” simulang chika ng aming impormante.

Meron na silang kutob kung sino ang gay benefactor ng young actor, matagal nang umiikot ang kuwento tungkol sa kanila ng becki, kumpirmasyon na lang ang hinihintay ng mga katropa ni bagets actor.

Patuloy na chika ng aming source, “Napakasimple kasi nilang magdala, parang wala lang, pinipintas-pintasan pa nga ng becki si bagets sa ere!

“Hindi rin sila super-close sa studio, nag-uungguyan pa nga silang dalawa, harutan nang harutan, kaya nagdadalawang-isip ang mga nandu’n kung magkarelasyon nga sila?

“Mahusay gumawa ng milagro ang bagets, kering-keri niya ang mga ginagawa niya. Magaling ding magdala ang becki para hindi sila pagdudahan ng mga kasamahan nila.

“Pero wait, hindi naman kaya nagugulat ang young actress girlfriend ng bagets actor kung saan kumukuha ng pambili ng pangporma ang boyfriend niya? Napakabongga niyang manamit, kumpleto siya sa mga shoes na pinag-iipunan pa ng ibang mga kasamahan niya bago mabili.

“Hindi kaya nagtataka ang girl sa mga nagaganap sa buhay ng BF niya? Pati ang girl, nananagana sa regalo, ibinibili rin siya ng mga branded stuff ng guy, hindi kaya siya nagtataka kung saan nanggagaling ang ipinambibili ng karelasyon niya?

“Ang ganda-ganda ng buhay ng bagets, di ba naman? Napakabongga niya! Napakasuwerte niya dahil kahit kulang ang kinikita niya, e, super-porma pa rin siya!” pagtatapos ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kaila-ngan n’yo pa ba ng clue kung sino ang young actor na ito?

Read more...