Robin kay Mariel: Hindi po siya yung tipong pwede mong anakan nang anakan! Kawawa naman!

NILIGAWAN muna ni Mariel Rodriguez ang kanyang asawang si Robin Padilla bago siya pinayagang magbalik bilang host ng It’s Showtime.

“Mahabang panliligaw yon. Niligawan ako ng asawa ko at nagpakipot ako sandali. Totoo, nanligaw talaga siya bago ako, ‘okey, sige,’” sey ni Robin sa panayam ng Push.com.

“Kasi kailangang siguraduhin yung bata. Kasi kailangang lahat ng ginawa niya sa bata, sabi ko, hindi puwedeng maramdaman ni Isabella (anak nila) na may kulang. Kasi ang dami niyang ginawa doon sa anak namin, eh.

“Siyemre, bigla siyang mawawala, kaya naghanap pa siya ng mga teacher. Ki-nausap niya yung mama niya. Kinausap niya sina lolo’t lola, na lahat nu’ng ginagawa niya, sila muna yung gagawa,” aniya pa.

Sa tanong kung plano pa nilang sundan si Isabella, “Wala. Wala. Kawawa naman si Mariel.

Hindi naman siya pang ganu’n, eh. Hirap siyang magbuntis. Hindi naman siya ‘yung puwede mong anakan nang anakan.

“Si Mariel, ang daming ineksyon, ang daming problema. Saka okay na rin naman ako, ang dami ko ng anak. Saka kawawa talaga si Mariel,” sey pa ni Binoe sa naturang panayam.

Read more...